Sunday, January 27, 2008

Blogag


Bobong PinoyAng mga Pilipino nga naman talaga ay sadyang mga tamad, alam na nga ang sulusyon, pero hindi ginagawan ng aksiyon. Alam na nga na kapag ang halaman ay hindi nadiligan – matutuyo; kapag nabasa sa ulan ang love birds dahil nakalimutang ipasok sa loob – mamamatay; kapag nagdasal lang ngunit hindi nag-aral sa final exam – babagsak; kapag ang isang empleyado ay hindi gumising na maaga – kaltas sa sweldo at ang masaklap maaaring matanggal sa trabaho kung ang hours ng pagiging late mo ay mas malaki pa sa araw ng pinasok mo. Tapos, kapag huli na ang lahat, saka na lang isisi ng tao sa langit, sa pader, sa aso, sa puno, sa alarm clock na hindi tumutunog, sa beer, sa yosi, sa bisyo, at kung kanino pang herodes na puwede mapag-gistahan maibsan lang ang kanyang damdamin dahil malinaw na malinaw na ang kaniyang aksiyon ang dahilan kung bakit parang tinalikuran ka ng mundong ibabaw.

Bkit nga ba ganoon? Kasi ang tao sa tuwing ito ay nagkakamali, hindi humaharap sa realidad ng buhay na siya ay nagkamali. Hindi niya matanggap na siya ang dahilan kung bakit naiwanang bukas ang gripo sa banyo kung kaya’t tumaas ang bill ng tubig, o kaya hindi niya matanggap na zero siya sa exam eh alam naman niya na naglaro lang siya ng gameboy magdamag. Ang tawag niyan ay in-denial. Sa kakatanggi niya sa kasalanan, hindi tuloy siya natututo, kung kaya’t paulit-ulit ang suliranin na natatamo niya sa buhay. Hangga’t idadaan na lang niya sa inom hanggang mabundat at mawalan ng trabaho. At kapag nanakit ang tiyan, iinom na lang ng liveraid tapos balik inom nanaman.
Sabi nga ng mga Sosyoligist, ang mga Pilipino ay sadyang masayahin, kung kaya’t kahit ano pa ang problema dinadaan sa pagbungisngis at ngiti. Kung ikaw ay magagawi sa likod na antas ng sosyalidad, makikita mo mga naninirahan sa isang squatter, kahit alam nila na wala silang makain, naroo’t tawa ng tawa nakikipag chismisan sa mga kaamiga habang ang asawa naman ay nakikipag inuman ng gin-tubig kila kumpare at hinahayaang magpalaboy at magtakbuhan na nakahubo ang mga anak sa labas na naglalaro ng lata ng coke.

Masayahin nga ba o ito ay isang paraan ng pagtakas sa realidad ng buhay na ginagalawan nila? Na gusto nilang makatakas ng sandali sa pagsolusyon sa problema? O natatakot silang harapin at mas mabuting maging miserable na lang habang buhay? Kaya minsan hindi mo maiiwasan na gamting lingwahe na lang ni Jose Rizal sa lahat ng kanyang sulat ay espanyol (huh? Ano ang koneksiyon ng sinasabi ko?? Hehe) Siguro yun din ang dahilan kung bakit mahirap halos ang Pilipino, matalino, madiskarte ngunit tamad. Na sa isip kung ano gusto gawin pero hanggang isip lang at hindi niya maisatuparan. Naalala ko tuloy ang sabi ng nanay ko “sayang na kabute, tumubo sa tae” kung gagawin mong literal eto, tanga ka, hehe joke. Ngunit kahit na ganoon, nandito pa ang pag-asa na ang bawat isa ay magbabago, na magsusumikap para sa sarili at sa kinabukasan, Wakasan na ang pagdepende sa gobyerno, tulungan mo ang sarili mong maging sagana. Kung ang lahat ng tao ay ganoon ang pagiisip, malamang aasenso tayo. Yun lang, kelan nga ba yun?

No comments: