Sunday, August 29, 2010
Stuck
Dear Passion,
Ayokong dumating sa oras na kinamumuhian na kita. Pero habang andito ako unti-unti akong nilalamon ng kumunoy papalayo sa isang bagay na dati sobrang saya ko.
Naalala ko, ikaw ang comfort zone ko -- kahit anong mangyari sa akin - mapamaging masaya, malungkot, disappointed, galit o pagod -- ikaw ang tinatakbuhan ko.
Pero bakit tila hindi na kita hinahanap ngayon? Hindi na ako masaya. At sa bawat oras na nakikita ko ang presensya mo, unti-unti akong naguguluhan kung saan ba ako papatungo... Oo, nauumay na ako, nagsasawa na ako. Please gumawa ka ng way para hindi tuluyan na talikuran kita at maghanap ng bagay na ikasasaya ko.
Ang masaklap pa, natatakot din akong talikuran ka, kasi baka bandang huli pagsisihan ko -- kaya tuloy hindi ko alam kung saan ako pupunta sa daang kaliwa, kanan o derecho? hindi ko na alam sa ngayon...
Passion, please tulungan mo ako... :(
"You know what sucks? When suddenly you feel uncertain of your future -- shit happens" -fabulouspots
Posted by Pots fabulous at 2:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment