Monday, July 5, 2010

random

I remember one quote that was posted from my friend's site last month, and here how it goes: " hindi lahat ng kaya mong intindihin ay totoo at ang hindi mo maintindihan ay kasinungalingan"


Dumating na ako sa point na ayoko na umintindi, yung tipong pagod na pagod ka na, na feeling mo isa kang kandila na unti-unting nauubos, tapos namamatay na siya, pero pinipilit mong sindihan ito. Gumagawa ka ng way para kahit ubos na yung kandila naroon pa din yung apoy. Kahit halos ubusin mo na ang lighter, o ang palito ng posposro o kahit ikiskis mo ang mga bato, mag apoy lang ang kandila, gagawin mo.

Pero alam mo sa sarili mo, paubos na ang kandila, kahit gamitin mo pa ang wax na nakapalibot sa katawan ni F. Marcos wala pa din mangyayari, mauubos at mauubos siya.

Alam mo naman sa sarili mo na ang gusto mo lang makasama siya - yun lang! mahirap ba yun??? mahirap bang gawin? mahirap bang intindihin???

Ano bang mahirap intindihin sa time? one word, four letters, pero bakit na-te-take for granted? at bakit nauso ang word na "take for granted" -- dati naman hindi ito nageexist, pero ngayon, bonggang bonggang gasgas na sa sitwasyon ng dalawang taong nag desisyon na pumasok sa isang konmplikadong mundo na tinatawag na lab. Overrate na nga yung katagang "take-for-granted" pero madalas pa din ginagamit ng mga kalalakihan, o minsan din ng mga babae. ewan ko ba, ang sarap kasi sa mga ego e, na alam mo na merong nagpaparaya, meron nagbibigay ng time, ng pagiintindi. Pero naisip ba nila na paano pag hindi na nila kaya gawin yung mga bagay na yun, ano gagawin mo? kaloka no? kasi iikot nanaman ang gulong, yung isa naman ang asa taas at yung isa naman na ang dati eh tumanggap ng love - ngayon siya naman ang nagpapraya. Bakit ganoon? hindi sila synchronized? dapat diba sabay? bakit salisi? ibig sabihin ba hindi talaga kayo para sa isat-isa upang mangyari eh salisi yung nararamdaman niyo?

Alam ko medyo wala ng sense ang mga sinasabi ko ngayon, nararamdaman ko na nagiging irational ako sa sitwasyon - may nagsabi nga sa akin, wag ko na lang daw ipilit ang hindi pwede para walang nasasaktan, nagpaparaya at wala nang mag-eexpect. Para hindi nakakasakit sa ulo, o nakakabuhol ng utak sa ulo.

Kasi nakikita ko na sarili ko na sa kakaisip, parang gusto mo na lang mag cartwheel, mag head stunt, mag harlem, mag split at magpagulong gulong sa sobrang labo ng sitwasyong ibabaw.

at ngayon tumatambling na ako kasi hindi ko alam kung papaano ko ito tatapusin. haha buset!!




No comments: