Sunday, January 27, 2008

Ang BURAOT Bus Express


Ang Drayber“Ma’am, Bossing, Urong lang tayo ng Bahagya, sige na mga nasa gitna, urong lang ng bahagya” ang sabi ng nakakaburaot na kundoktor ng bus. Naiwanan kasi ako ng shuttle na lagi kong sinasakyan pauwi kung kaya’t napilitan akong sumakay ng bus. Tamang-tama din dahil panahon na din ako ng tagtipid, kaya’t nararapat lang na mag-bus na lang ako tutal Bente pesos din ang matitipid ko. Dahil Last Trip na ito, naabutan ko ang katangi-tanging systema ng mga Pilipino ang “tayuan-hanggang-maputol-ang-ugat system”. Pagsakay ng pagsakay ko, humanap ako ng magandang spot na tatayuan upang saka-sakaling kaskasero si Manong Drayber eh matatag pa din ang mga pagod na laman ng binti ko para hindi matumba. Sa wakas! nakahanap ako sa ikatlong hanay ng upuan, kung saan masasandal ko ang katawan ko sa gilid neto, habang nakatayo. Magiging bahagyang panatag na sana ako hanggang… “Ma’am, Bossing, Urong lang tayo ng Bahagya!”, tinitigan ko si Manong Konduktor, napansin kong halos mapigtas ang mga litid niya sa lalamunan sa kaka sigaw ng “URONG LANG TAYO NG BAHAGYA!!”. Paulit-ulit niyang isinisigaw ang mga katagang eto. Dahil sa gabi na at mabagal na umandar ang isip ko, hindi ko namamalayan na ako pala ang pinaparinggan ng hoonghang na Manong Kunduktor na iyon! Daglian akong umurong na natatawa sa pulang-pulang itsura ng manong dahil napagod sa kakahiyaw sa katagang “BAHAGYA”. Umurong ako ng bahagya. Sumigaw nanaman si Manong. Urong nanaman ako ng BAHAGYA. Parinig nanaman si Manong Kunduktor. URONG NANAMAN A….Aba teka! napapansin ko, papunta na ako sa dulo ng bus sa kakabahagya ng walang pakundangang Kunduktor!!! Ba’t hindi na lang niya kasi sabihing “Ma’am Urong kayo hanggang DULO ng MUNDO!!!” kung yun naman ang nais niyang sabihin di ba? Hindi yung bahagya siya ng bahagya. Eh sa kaka-bahagya niya, baka umabot ako hanggang TAMBUTSO! At baka pababain ko si Manong Kunduktor sa sarili nilang bus na naka BAHAG! Ibang klase talaga mga kunduktor ng bus! Pagkatapos ko mabangga bangaa sa mga kasama kong nakatayo, kahit na sa isang pagkakataon ay dalawang beses kong sinadyang mabangga sa Gwapong lalaki na NAKATAYO – nakatayo din sa bus! (hoy! Hoy! Hoy! Mga isip, dumudumi!), hangga’t sa may nag-alok ng Upuan mula sa aking kanan. “Haay! Maraming Salamat Po!” ang sabi ko kay Manong Gentleman. Buti naman at meron pang natitirang ganoong creatures sa mundo, na magaalok ng upuan sa isang “nanananching na dalaga sa gwapong nilalang”. Grabe! Endangered species ito! Akala ko buo na ang paniniwala ko na Lahat ng kalalakihan ay asal aso na. hindi pala. Nagkamali ako. Sorry na! Tao lang! Salamat kung gayon. “Chivalry is not yet dead pa pala”.


Sa aking pag-upo, sa sobrang pagod hindi ko magawang matulog dahil ikinakatakot ko, baka pag-gising ko, eh na sa Cavite na ako o kung saan mang lupalop ng mundo ako mapadpad. Kung kaya’t pinilit kong aliwin ang sarili ko sa kanta ni Willie Revillame na “Sayaw Darling” sa radio ng bus. Ibang klase talaga ang Pinoy, kahit ang taong walang tono kumanta eh puwede nang kumanta, kahit paulit-ulit na ang liriko neto eh patok na patok pa din sa panlasa. Kahit ikanta mo lang eh Pakendingin, Pasayawin, Patumblingin o kaya’t mag Cart wheel si Darling o kung sino mang herodes yan,sa kanta at konteng bilis at nakakaudyok na rhythm ay puwedeng-puwede na maging number one sa Chart List. Ano ba ang maganda doon? Naalala ko tuloy yung website ni Bob Ong. Yung “Bobong Pinoy” na kung saan ay sinabi sa akin ni Karen na nakuha ng manunulat ang screen name na Bob Ong sa website niyang BOBong Pinoy. Ang Bobong Pinoy ay tungkol sa kakaibang paguugali ng mga Pilipino. Mga katigasan ng Ulo, kapasawayan, katarantaduhan, at lahat ng KA sa mundo! Sabagay, katangi-tangi tayong bansa na kung saan ang isang kandidato na na sa kulungan ay Binoto ng mamamayan.O kaya’t Presidenteng hindi nakatapos at ang alam lang eh makipag bakbakan sa Kamera; O kaya’t harap-harapan kang ninakawan, patuloy pa din ang pag-suporta neto o kaya naman ay mga simpleng Pagtapon ng Basura sa nakalagay na senyas na “Bawal Magtapon DITo!” O kaya naman pagihi sa mga lugar na nagsasabing “BAWAL UMIHI RITO, ASO LANG ANG PUWEDE”, ano kaya kung akusahan kong Vandalism ang mga senyas o salita na naka uling o pintura na sulat sa mga pampublikong pader? *iiling-iling* Parang ako nabibilang sa bobong Pinoy na kung saan sa sobrang labo ng mata ko, eh nakatapak ako ng isang malambot ng bagay ng nilalabas ng mga hayop sa kahabaan ng Pasay. Umuulan pa man din Noong mga panahong iyon, dahil kasingkulay ng poochie ng aso ang sandalyas kong gold, hindi ko napansin na nakatapak na ako. Ang sulit at pino pa man din ang pagapak ko hanggang sa naramdaman ko na “Bakit ang lambot ng inapakan ko?” hanggang na iyak na lang ako sa aking napagtanto na ito ay isang echas ng magaling na aso. Papaano ba magkakaechas sa gilid ng highway? Pasalamat na lang at umuulan, kung kaya’t madali kong napunas sa poste ang echos. Ewan ko ba, katawatawa talaga ako ng mga panahong iyon.

Ngunit, hindi naman talaga ako sumasangayon na ang mga Pinoy ay Bobo, syempre, Pinoy din ako kaya papalag ako hehe. Siguro ang gusto lang maparating ni Bob Ong, na ang mga Pinoy, matalino sana pero hindi nila alam kung saang paraan gagamitin ang katalinuhan nila. Kung kaya’t nauuwi sa katalinuhan sa kalokohan. Saan ka makakakita ng maliit na bahay eh ang laman ay bente na miyembro ng Pamilya? Siyempre, Only in the Pinas! Saan ka makakakita na ang mga tarpaulin ay maari nang gawing bag? Syempre saan pa, “ONLY”… Saan ka makakakita sa isang party, kumain na lahat-lahat eh may take-out pang kasama.. siyempre “ONLY”.. saan ka makakakita ng tawirang kulay pink? Siyempre “ONLY” . . . . Madiskarte naman ang mga Pinoy eh, kaya lang kulang sa sipag, tiyaga at suporta. Kung kaya’t kahit anong paraan makapang-isa lang ng kapwa o kaya’t makaisip lang ng kabalastugan eh gagawin maka survive lang. Kulang din kasi ng supporta ng Gobyerno. Ang Florescent Lights ni Flor, ang Bio-fuel ni Manong, Ang solar vehicle ng mga studyante, ang Microsoft na likha ni Sara,, hehe joke lang! At mga sandamakmak na imbensiyon ng ating mga kababayan na hindi ko na matandaan o hindi ko nalaman. Sayang talaga, sayang, kasi sa iba pinagtuunan ang pansin. Kaya nga’t minsan, hindi ka dapat umasa sa iba. Simple lang naman ang pag-uunlad, ito naman ay laging nagsisimula sa sarili! Kung iisipin mo, Reklamo ka ng reklamo na madumi ang Pilipinas, pero ang sarili mong kuwarto ay hindi mo malinis-linis, o kaya’t reklamo ng reklamo sa Gobyerno dahil sa kahirapan pero hindi ka naman nagtatrabaho, tanghali na nagigising at madalas pa ang inom at sugal, aba! Kumunoy ang abot mo Ne at Toy! Ang kaunlaran naman ay magsisimula talaga sa sarili. Parang nga sa kasabihan “Nasa Diyos ang Awa na sa Tao ang gawa”. Papaano ka tutulungan kung hindi mo tutulungan ang sarili mong magbago.? Davvaaa? Kung tayo ay hindi aasa, at tayo ay tatayo sa ating sariling mga paa, edi gagaan ang buhay natin at hindi na kailangan ng iba na mag-ibang bansa. Bawasan mo na ang mga mandarambong na leader ng bansa. Kung ganyon lang, tiyak aasenso tayo at wala nang Bob Ong na magsasabi at magpapaalala kung ano ba talaga tayo. Kaylangan natin tanggapin sa sarili ang mga baho natin mga Pinoy, para ating mabago ang mga kabahuhan at kabalahura na eto para sa ikauunlad ng ating Bansa! IBOTO SI SARA PARA SA PRESIDENTE! IBOTO!!!! Huwhhaaat???

P.S. Nagugulat ka na ba sa mga kandidato para sa presidente ngayong 2010 noh?? Tsk tsk,, Pinoy nga naman! Tara! Kumandidato ka na rin!!!! *grin*

But hey! May mas worst pang Bansa sa atin, so don’t lose HOPE! =)

No comments: