Pinipilit mong itama ang mga maling nagawa mo – alam mo sa sarili mo na nagbago ka at may natutunan. Ngunit bakit kahit nagbago ka, bakit hindi pa din pansin? Bakit nakatapak pa din sa paniniwala na hindi ka magbabago? Paano mo mapapatunayan na ikaw ay nagbago kung ikaw ay iniwan niya? Papaano mo mapapatunayan na mapaglalaban mo siya kung ayaw ka naman balikan? Hanggang saan magpipilit magbago? Hanggang kalian ipagsisiksikan ang sarili? Kung mahal mo siya, bakit gusto mo siya ipagbago? ako lang ba ang dapat magbago? Di ba, dapat tayong dalawa?
Kung mahal mo ang isnag tao, kahit ano pa siya, kahit sino, at kahit ano pa ang nakaraan niya, tatanggapin mo, kasi MAHAL mo siya. Kung mahal mo siya, kayang palambutin ng pagmamahal ang sakit na nagawa niya. Pinilit gawin ihilom ang sakit, pero tila wala pa din, nasasaktan pa din siya. Hindi na alam kung ano na ang gagawin upang maibsan ang sakit na nadarama niya, ginawa mo na lahat, pero tila oras lang ang makakapagsabi kung kelan maghihilom. Hanggang kalian pa? Hindi sa lahat ng panahon nakatapak sa mundo ng walang kasiguruhan. Hindi sa lahat ng oras tayo ay nagmamaangmaangan sa tunay na nararamdaman. Hindi lahat ng panahon ganto tayo, nakakapagod humabol, nakakapagod umiyak, nakakapagod magantay sa walang kasiguraduhan, mahirap kapag nakabitin ka sa ere at hindi mo alam kung papaano ka gagalaw, kung saan ka magsisimula. Alam mong mahal mo siya, pero kung magulo pa ang isipan, lalayo na ako, at kakalimot sa mga masasayang karanasan. Siguro naman minsan isipin ko yung sarili ko, isipin ko naman na tao din ako, at nasasaktan, patas na tayo, napahiya mo na ako, nagpakatanga na ako sa marami, nasaktan mo na din ako, siguro hindi ko na pagsisiksikan ang sarili… masakit man ngunit hindi na ako aasa, mahirap man pero kakayanin ko, masaya ako sa iyo, mahal na mahal kita, pero hanggang kalian pa??
No comments:
Post a Comment